Wednesday, August 22, 2012
Ang unang inagawan ng lupa...
Sa mata ng batas, ang makapangyarihan ay walang sala. Ano kaya ang kahihinatnan Ng mga hindi ma "develop" Bilang tourist spot? O nalipasan ng ningning na dati'y magandang tanawin?
Di kaya kahinatnan ay kwentong pagmimina, at pagtotroso rin? Pagkatapos pakinabangan, pigain at sairin ang yaman at mawalang silbi sa bulsa ng mga asendero,trapo at multinasyunal Aabandunahin ang lugar na puno ng basura, lason, kawalan sakit, panganib, dekadenteng kultura, at iba pang latak. Na naman mga mamamayan Ang pipilitin, mapipilitang harapin o pagtiisan ang basura, lason, kawalan, sakit, panganib, dekadenteng kultura, at iba pang latak. At pagbuntungan ng sisi ng lahat ng ito. Sila na ngayon ang may sala. Ano kaya ang kahihinatnan? Sa atin ang esterong kanal. Sa dayo ang primera klaseng lupa At baybay dagat. Paano ang mga inagawan ng lupa sa ngalan ng pagunlad? Paano ang mga pinangakuan ng trabaho? At kung mayrooon man ay ilang panahon lang?(6 months?) Paano ang niloko at pinaasa sa huwad na reporm sa lupa ng gubyerno ng mga asendero? Paano ang maglulupang walang lupa? Saan sila pupunta? Sa Maynila? Mag-iiskwat? Makikituloy sa kamag-anak na iskwater din, nauna lang? At tawaging iskwater at tignan na parang kriminal ng matapobreng mayaman At tawaging iskwater at tignan ng pagkainis ng nag-aastang elitista, pero pasahero rin ng dyip. Pagdating sa Maynila Sila na ngayon ang may sala. Ang unang inagawan ng lupa... Paano na ang mahalaga pero di kaaya-aya mahalaga pero di naman kagyat na mapagkakakitaan? Paano na ang kapakanan ng mga susunod na salinlahi? Ang mga mahirap daw walang pagsaalang alang sa kinabukasan kaya mahirap Eh sino ba ang nagbenta at nagsanla ng kinabukasan ng bansa mula pa panahon ng Kastila, Amerikano, Hapon at kasalukuyang panahon? Hindi naman ang pangkaraniwang tao! At sino ba ang nagbuwis ng buhay para sa bansa mula pa panahon ng Kastila, Amerikano, Hapon at kasalukuyang panahon? Di ba't ang karaniwang tao! Sila na ngayon ang may sala. Ang mga biktima ng kapalaluan ng ilan. Ang mga anak ng nagbuwis ng buhay para sa bayan. Sila na ngayon ang may sala. Ang unang inagawan ng lupa... Sa ating panahon Sa mata ng batas, ang makapangyarihan ay walang sala.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment