Sunday, April 22, 2012

Ang buhay nga ay bukid.

Saglit na napalingon si Sandra mula sa pagkakatutok sa tablet pc sa ganda ng tanawin ng mga bakawan na paulit-ulit kung halikan ng  alon ng dagat. Tila  nagpapasalamat ang dagat  sa  pagkanlong sa mga isda nito. Sa linis at linaw ng tubig ay tila bihira itong maabot ng tao. Kitang kita  ang mga isda,  starfish,  at  iba pang lamang dagat nang di  sumisisid  pa  sa  tubig. Maging ang makakita ng bayawak   sa tabing dagat na ito ay kasing ordinaryo lang ng butike sa bahay.  Tunay na matuturing na mala paraiso ang  lugar.   Napalingon din ang anak ni Sandra na si Lian mula sa paglalaro ng PS3 nang biglang maglabasan sa mga mumunting yungib ng buhangin ang mga maliliit na pawikan na wari'y naguunahang makasabay sa alon.  "Wow ang puti ng buhangin, kasing  puti siguro ito ng sa boracay, ang pino, parang masarap  mag  volleyball." "Oo nga Mommy,  parang polvoron....,   parang ang sarap manghuli ng pagong,  ayun o!."  "Bawal silang hulihin kasi kaunti na lang sila  sa  mundo at  mga baby pawikan yan," sabad ng ama ni Lian na si Rico, "hindi pagong". "Tignan mo ang mga paa nila parang palikpik. Majority ng buhay nila e sa dagat." "Yeah okay." "O, luto na ang spare ribs( na niluto sa hotplate). Puro kayo  gadget, kain na muna!" Pag  anyaya ni Rico.  Naglapitan na ang maganak sa monobloc na lamesa at upuan habang nagsasalita ang amerikanong host mula  sa isang magarang otel. Ang kahali-halinang lugar na ito ay makikita sa isang eksklusibong isla sa Pilipinas na tanging ang may milyon lang sa bangko ang maaaring makapunta. Mahal  ang magbakasyon dito dahil ekslusibo. Bawal sa walang mlaking pera.  Dinampot  ni Sandra ang itim na remote control ng TV at inilipat ang channnel mula TLC  tungo  sa paborito nilang noontime show. "Bayanihan na!" Sarap na sarap  sa   pagkain ang mag anak (sa kanilang condo unit  na sapat lang ang laki bilang kwarto  ng mag-asawa  ngunit naipilit na  maging isang buong bahay ng mga developer  sa maraming tao  sa  panahong ito).  "Rice please." Pakiusap ni    Lian. Agad na inabot ng nanay nito ang maliit na kaldero ng kanin."Wow  ang  gana mo ngayon kumain ah." "Meat lover a ko tatay  eh, kaya dapat  meat na lang lagi wag nang gulay. "  "Kain lang ng kain at bukas gulay na uli" biro ni Rico  sa  anak.   "Si Alan daw nakapunta na doon sa islang feature  sa TLC(?)" Banggit ni Sandra kay Rico.  " Tiga  doon si  Alan, binayaran lang sila ng ilang libo  para sa lupa nila at pinangakuan ng trabaho.  Nag contruction worker siya dooon noong ginagawa pa  ang lugar.  Pagkatapos magawa ang  mga  buildings,rest house at iba pang establishments  makalipas ang dalawang taon, di na uli  sya naka apak sa lugar nila.  Kaya  yun construction worker naman sya ngayon dyan sa may  SM." Sagot ni Rico.  "Ah ganun! Kawawa  naman pala si Allan." "African american ba si Allan nanay?" Inosenteng tanong ni Lian kay Sandra. "Hindi anak,  Pilipino si Allan, tunay na Pilipino!"  " Uy  ang  sarap ng  timpla  mo  sa  spare ribs ah" puri ni Sandra sa asawa. "Syempre." Maikling tugon ni Rico  kay Sandra habang nginangata ang spare ribs. Si  Allan ay  malapit  sa  pamilya, madalas  na  kunin ni Rico  ito para magkumpuni ng  mga sira na tubo, stand ng aquarium o fish  tank, switch  na ayaw  mag  switch, at minsan maging ang magbantay kay Lian.
"Tao po." "Tignan mo nga Lian kung sino yung kumakatok" utos ni Sandra sa anak  nito.  Agad    na tumayo  is  Lian  at  tumungo  sa  pinto.   "Ano po  yun?" "Tatay mo ?" "O Boyet napasyal ka, kain muna!" "Salamat, busog pa,"wika ni Boyet.  "Bakit ka napadaan?  Ano ang  sa atin?" Inilapit ni Boyet ang labi nito  sa tenga ni Rico, at nagsalita sa mahinang tono.  


Naiba ang reaksyon ng mukha ni Rico, at tila pumait ang panlasa nito sa nginangatang karne.









                                                                           

No comments:

Post a Comment