Sunday, April 22, 2012

buhay nga ay bukid. mga tanong.

note: mungkahing basahin muna ang blogg na  BUHAY  NGA AY BUKID na naunang pinublish dito.  Karugtong lang kasi ito ng naunang blogg.
salamat. -renminzaitsev


Likas   na  magagandang  mga lugar, magandang mga  edipisyo,  pero  hanggang TV na lang ang mga ordinaryong  tao.  Dibale,  HD naman daw(kung  may  pangbili). Hindi naman siguro ganito ang nangyayari o mangyayari. Sana!  Ewan?! 
Paano naman ang mga lugar  na hindi  ma "develop"  bilang tourist spot?  O lumipas  na ang ningning ng lugar? 
Baka parang pagmimina, at pagtotroso rin ang uwian nito.  Pagkatapos  pakinabangan at wala nang  silbi sa bulsa ng mga  asendero, trapo at multinasyunal na kumpanya ay pababayaan na lang ang lugar. 

Paano ang mga basura at iba pang latak nito? Ang  mga mamamayan na naman  sa mga naturang lugar ang mapipilitang harapin o pagtiisan ito. 
Paano ang mga  inagawan ng lupa  sa  ngalan ng pagunlad at turismo. 
Paano ang mga  pinangakuan ng trabaho, na kung mayrooon man ay ilang panahon lang.
Paano ang naagawan ng lupa?  


Saan sila pupunta?
Sa  Manila? Mag  iiskwat?  Makikituloy  sa  kamag-anak na nag-iiskwat din?
At tawaging iskwater at  tignan ng may  pagkainis  ng nag-aastang elitista, pero  pasahero rin ng dyip.
Pagdating sa Manila sila  na may  sala?
Ang unang inagawan ng lupa...



Kung ang mga dayuhang minero at magtotroso  ay iniuwi sa  kanilang bansa ang mga  troso at mina,  ano naman kaya ang iniuuwi o iuuwi ng mga  turista sa kanilang bansa?
Paano na ang mahalaga   pero di    kaaya-aya para  sa turismo, mahalaga  pero di naman mapagkakakitaan ngayon  ng malaki? Paano na?


Ang Sambayanan sa  Bayan ko, wag  sana  umabot ang panahon
Na maging iskwater  sa  sarilng bayan.
Sa atin  ang  esterong kanal.
Sa kanila  ang  primera  klaseng baybay  dagat.


Ano ba ang  mahalaga?

No comments:

Post a Comment